PROTESTULA: Salita ang Panlaban
Ngayong darating na ika-14 ng Marso, labing-apat na taon na ang Kilometer 64 Writers Collective, na nagsimula lamang sa palitan ng tula sa yahoo groups. Kalaunan, lubusang niyakap nito ang adhikain ng Kabataang Makabayan na naitatag noong 1964, kaya itinatanghal ng mga akda ng KM64 ang hapis at galak ng sambayanan at tinutulaan nila ang di matapos-tapos na paghahanap ng kapayapaan, hustisya, at lipunang wala nang pagsasamantala. Mula sa iba't ibang larangan at sektor: OFW, estudyante, magsasaka, guro, manggagawa, ina, ama, at anak ng bayan ang mga makata at manunulat ng Kilometer 64 Writers' Collective. Para sa kanila ang tula ay armas pandigma at karangalan ang tulaan ang sambayanan.
Samahan mo kami sa gabi tulaan at paniguradong bubusugin namin ang iyong puso't isipan ng mga katotohanan at kaganapan sa inang bayan. Tampok ang labing-apat na manunula mula sa iba't ibang mga grupo upang itanghal ang labing-apat na tula na may iba't ibang tema patungkol sa bayan.
Daha fazla göster