LOVING DALAWA: Ikaw at ang Sambayanan
"Hindi masama magmahal nang higit sa isa."
Sobrang mapagmahal ka ba kaya hindi mo mapigilang magmahal nang higit sa isa? Sa gabing ito, pwede magmahal nang dalawa. Mahalin mo ang bayan tulad ng pagmamahal mo sa iba. Bayan at Siya. Bayan at magulang. Bayan at Sarili. Bayan at Diyos. Ito ang araw ng pag-ibig kaya halika na't samahan kami sa gabi ng tulaan at pagmamahalan.
Hindi mo kailangan mag-isa sapagkat amin kang sasamahan sa araw na ito. Tumula o manuod kasabay ng pagkamulat.
Malay mo, sa gabing ito mo rin matagpuan ang nararapat para sa iyo.
Ang donasyong makakalap sa gabing ito ay gagamitin para sa Project Pisapungan. Sa ika-18 hanggang 19 ng Pebrero, aakyat sa Sitio Tangan-tangan upang bigyang tulong ang ating mga kababayang Ayta.
Ang Project Pisapungan ay isang programa ng EcoHumans na may layuning magpakita ng pagkakaisa ng mga indibidwal mula sa iba't ibang sektor tungo sa maunlad na komunidad at progresibong kultura.
Inilunsad ito sa Sitio Pisapungan, Brgy. Sta. Juliana, Capas noong 2012. Ito ay umunlad upang maglingkod sa organisasyon ng mga katutubong Ayta sa lalawigan ng Tarlac, at palawakin ang pagkakaisa sa mas marami pang pook sa Central Luzon.
Featured Spoken Word Artists:
Ansherina May D. Jazul
Rommel Pamaos
PARA SA OPEN MIC PERFORMERS:
-Ang unang sampu(10) tao na makapagpaparehistro ang tutula at magkakaroon pa ng munting regalo mula sa KM64.
At kung hindi makaabot sa unang sampu, bubuksan muli ang registration kapag may oras pang natitira.
-Hanggang dalawang(2) piyesa lamang ang pinahihintulutang tulain ng isang tao upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pa na
makatula.
Daha fazla göster