Bigyang pagpupugay natin ang mga naghirap, nabigo, bumangon, at nagtagumpay dahil inihahandog ng Metro Park ang
Focus: Pag-usad
Isang Poetry Tribute Night para sa mga Nagsipagtapos
Muli tayong bumalik sa Blue Bay Walk sa April 8 upang manood ng mga tulang itatanghal ng mga kapatid natin mula sa Words Anonymous para sa lahat mga nagtapos ng pag-aaral at sa mga patuloy na nagsisikap upang makapagtapos.
Tampok rin ang open mic sa gabing iyon na handog naman ng Page Four Productions sa atin. Dalhin ang inyong mga piyesa ng kabiguan, pagsasakit, mga aral na natutuhan, at pag-asa at itanghal sa gabing iyon.
Upang makapagtanghal, mangyaring magpatala sa registration booth sa araw na iyon mismo.
Magkita-kita tayong lahat muli sa April 8!
Read more